Friday, August 1, 2008

Union Theological Seminary

Dasmarinas, Cavite

Marco P. Aranilla

History of Christianity in the Philippines

Insight

Batay sa aking pag-unawa tungkol sa paksa na ang Kasaysayan ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Ang naunawaan ko, kung ang adhikain ng mga espanyol upang mangalakal, hindi upang sakupin ang mga katutubo naninirahan sa kanilang lupain na payapa at namumuhay ng simple subalit ang ipinakita nila ay hindi tama at pagsasamantala upang ito ay kanilang sakupin na hindi naman lumalaban sa kanila. Nabanggit sa pag-aaral na may kinalaman ito sa kanilang kasaysayan sa ginawa ng mga Muslim na sumakop din sa kanila, ang galit ng mga Espanyol sa Muslim ito ay nailipat sa mga katutubo. Sinimulan ng mga Prayle ang kanilang, pag-aakusa, panggigiit at pagmamalupit sa mga katutubo dahil na rin ito sa kanilang hangarin na makuha ang kanilang gusto particular sa lupa at ang pagtuturo ng kanilang paniniwala. Ang mga Prayle misyonero naging marahas upang kanilang makuha ang mga malalaking lupain sa mga kanayunan. Ang Manila ang naging sentrong kalakalan upang magbukas ng komeryalismo sa buong bansa lalo na para sa mga Kapitalista.

Ang lahat ng ito ay karangalan na maibibigay sa kanilang hari na si King Philip sa karangalang ito ang lupain ng mga katutubo ay nakilala sa tawag na ‘Pilipinas.’ Naghari ang dalawang institusyon ang Estado at Simbahan sa matagal na panahon mula 1565 hanggang 1700.

Taon 1815-1841,dumating sa punto na mayroon mga katutubong Pilipino ang gustong magpari, subalit ito ay ayaw ng mga’ religious order’ dahil na rin ang mga katutubong Pilipino hindi marunong ng wikang Latin, mababang uri ang kanilang pamumuhay at hindi nagsusuot ng maayos na damit. Si Hermano Pule (Apolinario dela Cruz) hindi binigyan ng prebilihiyo na pormal na makapag-aral bilang pari. Nagdulot ito upang umusbong ang kilusang rebulusyon tungo sa pagbabago. Ito ay naging tinik sa lalamunan ng mga Prayle. Ang naging kamatayan nina GOMBURZA dahil sa kanilang pagiging makabayan, nagdulot din ito upang lalong mapalakas ang rebulusyon ang laban sa mga Espanyol. Dahil na rin sa pagiging relihiyoso ng mga Pilipino na itinuro ng mga Prayle, ito ang nagpahamak upang matukoy ang lungga ng mga Katipunero sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Matindi ang hangarin ng mga Katipunero upang makamtan ang tunay na ‘Kalayaan’ isa na rito ang paring si Padre Gregorio Aglipay, samantala ang mga ‘Propaganda Movement’ ng mga Illustrado ang hangarin ay para sa reporma.

Taon1898-1946, dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas dahil sa pagkaka-intindihan nina Commodore George Dewey at Emilio Aguinaldo. Ang Pilipinas ay dumanas ng malupit na giyera sa pagitan ng Amerika at Spain. Nagtagumpay ang mga Amerikano hindi ang mga Rebolusyunaryong Pilipino hindi nakamit ang pinaglalaban na ‘Kalayaan’ ito ay nakuha ng mga Amerikano. Dala-dala ng mga Amerikano ang ‘extension market of capitalism’ at pananampalatayang ‘Protestante’ sa Pilipinas taglay nito ang panibagong paraan ng pananakop sa pamamagitan ng pagtatayo eskuwelahan na may kaugnayan sa simbahan, at pagmimisyon sa iba’t-ibang lugar upang magtayo ng bagong simbahan. Gayundin ang paghihiwalay ng Estado at Simbahan. Ang tungkulin ng simbahan ay magturo, mangaral tungkol sa langit, maglingkod at tumulong sa komunidad ayaw makialam sa mga isyu at sa pagbabago ng lipunan. Sa likod nito nais nila ang mga rebulusyunaryong Pilipino mabago ang mga pananaw. Magkagayunman ang mga Rebolusyunaryong mga pari ay nagpatuloy sa pakikipaglaban sa makabagong naghaharing Kolonyalismo sa Pilipinas. Mayroong sumulpot na bagong kilusan sa pangunguna ni Crisanto Evangelista ang Communist Party of the Philippines or CPP para sa kapakanan ng mga pisante, sumanib din ang mga magsasaka at mga propesyonal.

Taon 1941-1945, dumating ang mga Hapon sa Pilipinas upang palawakin din ang kanilang teritoryo ng pamilihanat naging dahilan ito upang ang mga simbahan ay puwersahang pagbuklurin katulad ng Evangelical Church in the Philippines, na limang denaminasyon (Presbyterian, Episcopal, Disciple of Christ, Brethren, Congregational). Ang United Church of Christ in the Philippines na mayroong limang denominasyon ay nabuo nuong 1948.

Sa nakaraang kasaysayan ng pakikipagtungalian ng mga Rebolusyunaryong Pilipino, ang bansang Pilipinas ay 90% dominanteng Romano Katoliko at konserbatibo kaya’t hindi nakiki-aalam sa isyu ng lipunan dahil sa usapin ng hiwalay na Estado at Simbahan. Dulot na rin ito na ang mga nagtuturo at naghahari sa simbahan ay mga elitista.

Ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa Pilipinas nailarawan ang pagsasabuhay ng mga Rebulusyunaryo ang kanyang paninindigan, prinsipyong ipinaglalaban para sa bansa at mga pinagdadaanang hirap, pag-aakusa para sa pagbabago ng lipunan

2 comments:

tolitz said...

Inihanda ni:
Joselito G. Ibanez
M.Div. Senior

1.1 “Ang Kriminalidad at kapabayaan”
Ang Talinghaga Tungkol sa Ubasan at sa mga Kasama
Markos 12:1-12
Sa mga sulat ni San Markos, ang lugar o lokasyon, ang mga karakter na bumubuo sa kwento at ang pangyayari ay isa sa kanyang pangunahing mga puntos upang higit na magkaroon ng mas malapit na pagbasa at interpretasyon ang mga mambabasa sa kasalukuyang panahon.

Sa talinhagang nabanggit ni Markos patungkol sa isang ubasan ay kwentong naglalarawan ng kasalukuyang umiiral na panahon. Ito ay sitwasyong inilalantad sa kwento na may ibang paka hulugan sa panahon nila kumpara sa panahon natin ngayon, ngunit may pagkakatulad o hawig sa umiiral na sistema ng ating panahon ngayon.
Ayon sa talinhagang binanggit, at kadalasang ang pakahulugan ng marami ay ang ubasan ay ipinapakahulugan o ipinapalagay na lupain na pagmamay-ari ng Diyos o sa maikling salita ay ang mundo, ang mga utusan namang nabanggit ay ipinapakahulugan sa mga propeta ipinadala ng Diyos na binugbog ng mga tenante, ang pinakamamahal na anak naman ay ipinapakahulugan kay Jesus kristo na anak ng Diyos na ipinapapatay ng mga Hudyong lider at ng mga nasa poder ng Herusalem, at ang mga kasama o tenante sa lupain ay ang mga hudyong lider ng Israel, at ang pamunuan ng pamahalaan ng Herusalem.

Isa sa mga pangunahing katanungan sa talinhagang ito ay sa di maayos na tindig o posisyon ng may-ari ng lupain kaugnay sa mga kaguluhang nangyari at isa ito sa naging kapabayaan nya sa mga utusang ipinadala nya sa ubasan na pangunahin namang naging biktima ng inhustisya at pagmamalabis ng mga tenanteng naka posisyon at otoridad sa lupain. Ito ay hindi lamang isang beses na nangyari at nasundan pa ng marami pang beses at ang kahulihulihang naging biktima dito ay ang kanyang sarili at pinakamamahal na anak.
Para sa akin ito ay di totoong larawan at karakter ng isang mapagmahal at responsableng ama at mabuting pinuno ng kanyang nasasakupang kumunidad.

Sa ibang pagbasa ng kwento, sa punto di bista ng mga tenanteng matagal nang nagpaunlad at nagbungkal ng lupa, (na inilarawan na may pagkakaiba ang “haba ng panahon” mula sa tatlong aklat) Isa marahil ito sa mga naging dahilan ng di maayos na kalagayan at isa sa mga pangunahing rason sa pagitan ng mga utusan, ng anak ng may ubasan at ng mga tenanteng matagal na nag paunlad at nagbungkal ng lupa.
Ang pagdating ng mga utusan sa lupain ay kahalintulad ng mga taong may dala ng mga titulo sa mga lupain ng katutubo sa ating panahon nagsasabing sila ang nagmamay-ari ng lupa. At dahil ang karamihan sa mga claimants na ito ay nasa poder, otoridad at lider ng ating pamahalaan, katulad sa panahong ito, maraming beses naring paulit-ulit na nangyayari ang magkakahalintulad na kwento mula sa lumang panahon at sa kasalukuyang panahon. Ang usapin ng pagmamay-ari ng lupa ay matingkad parin at kalimitang ugat ng krimen, ng inhustisya at pagsasawalang bahala ng may kapangyarihan. Ang tanging malakas, ang makapangyarihan, mas maimpluwensya at mga popolar ang kalimitang nagwawagi. Katulad ng mga tenanteng nabanggit sa kwento, “sila na mga nasa poder, lider, at otoridad” ang madalas na pinapaburan ng batas at ng makapangyarihan sa lipunan. Ang kanilang sabwatan sa masamang hangarin ay nakakapangyayari gamit ang kanilang posisyon, ang otoridad at estado sa buhay. Ganito parin ang larawan ng kasalukuyang panahon natin. Magkaiba lamang ang pinapakahulugan nito, ngunit may pagkakahalintulad ng kalagayan at sistema sa magkaibang panahon.
Ang kalagayang ito ay ang kapahayagan ng sistemang puno ng kabulukan, ng anomalya, ng pagsasamantala at mapang-api, ay kinakailangan nang tuldukan, “katulad ng nabanggit sa talinhaga,” ang pagpapanibagong hubog para sarili at sa pangkalahatang aspeto natin bilang tao ang una hakbang sa pagbabago, pangalawa ang sistemang patuloy na gumagapos sa ating mga kaisipan, gawi bilang tao at ang ating mga personal na prioridad at interes ay isang hamon upang talikuran ang mga pansariling alalahaning ito at harapin ang mas malawak na ugat ng suliranin, ang bawat isa ay tinatawagan upang tayo ay sama-sama sa panawagan tungo sa isang kalagayang may pagpapahalaga sa kwalidad at may dignidad na uri ng pamumuhay (buhay). Ang sama-sama nating concern at pagkilos, upang tugunan ang hamon na maging responsable tayong nilalang, at ang patuloy nating pakikiisa sa pagsusulong ng mga ibat-ibang programa na may mataas na pagkilala, pagpapahalaga, at paggalang sa karapatan at buhay ng lahat ng nilikha, ay isang positibong pananaw ng pagbababgo sa sarili at para sa bayan.
1.1. Ang mga Manggagawa sa Ubasan
Ang kwentong ito ay naglalahad ng isang kalagayan patungkol sa relasyon ng manggagawa at ng may ari ng pagawaan. Ang relasyong ito ay matingkad at kasalukuyang isa sa malaking usaping ating kinahaharap. Katulad ng kwentong inilahad sa pamamagitan ng parabola, ang may-ari ng pagawaan ay may direktang mandato sa usapin ng pasahod ng mga manggagawa. Ang ilang mga isinusulong na usapin dito ay ang isyu ng tamang pasahod, labis na trabaho, (umaga-hapon), at kulang na trabaho- tamang pasahod,(tang-hali, hapon-hapon). Ang ganitong kalagayan at isyu ay malaking usapin sa bahagi ng mga manggagawa, samantalang ang mga manggagawa ay nakatali na sa parehong halaga ng sasahurin. Ang isyu ng pasahod at isyu ng oras ng pagtatrabaho ay itinakda ng may ari ng pagawaan, na malinaw lamang na ano man ang ibig gawin nito sa kanyang pagawaan ay walang sinumang pwedeng magkwestyon sa batas niyang ipinatutupad. Ganito din ang kalimitan nating kinakaharap na usapin sa ating mga lugar, at ito ay karasan mismo ng ating mga kaanib, kamanggagawa at kababayan. Ang tekstong ito marahil ginamit ng Panginoong Hesu-kristo upang maging batayan din natin upang kwestyunin ang kasalukuyang umiiral na panahon at maging sa sistemang umiiral sa mga pagawaang may ganitong batas at panukala. Batid nating ang Panginoon Hesu-kristo ay laging nabibingit sa kamatayan sa kamay ng mga Pariseo dahil sa paglalahad ng ganitong kwento na na isang uri ng paglalantad sa Publiko.

2.1 “The Fall Gen.3”
Ang aking napiling tagapagligtas /champion / bida sa tekstong ito ay ang karakter ng Puno. Ang puno ang may malaking papel at mahalagang parte sa kwentong ito . Kalimitan ay di pansin ang kahalagahan nito, ang kanyang partisipasyon sa kwento ay di nabigyan ng importansya ng nagsulat ng kwento di gaya ng mga karakter na aktibo(boses) dahil may kakayanang magpahayag ng saloobin, ng palagay at kuro-kuro. Ang puno ay isang mahalaga ang karakter na ginampanan sa kwento, sa kabila ng walang kakayanang maipahayag ang damdamin nito at kaisipan maging ang partisipayon sa kinabibilangan nitong daigdig. Katulad ng mga buhay ang karakter ng mga sumusunod (ang tao, “Eva, Adan”, ahas at ang diyos) ay aktibong nakakapagpahayag ng kanilang komentaryo at kaisipan.
Marami sa ating lipunan sa ngayon ang katulad ng karakter ng “Puno.” Ang puno ay representasyon ng maraming indibidwal na kontibyutors at saksi sa mga magagandang pangyayaring nagaganap ngunit di pinakikinggan ang boses dahil ang tingin ng mga nakapaligid/marami dito ay dekorasyon lamang at di mahalaga ang karakter nito. (Syempre kapag di mahalaga ang karater, di rin mahalaga ang sasabihin, ang kaisipan at kaalamang meron at pang unawa.) Sa madaling salita walang kwenta at puwang sa mata ng marami ang kanyang boses. Katulad sa ideya ng nag sulat ng kwentong ito , ang “puno” ay buhay ngunit patay.. ang tanging importansya at halaga nito ay ang bungang kanyang mai-prodyus. Ang maidudulot nyang kasiyahan at kayang nyang i-ambag sa paligid at lipunan na kanyang ginagalawan ay di makita ang kahalagahan.
Katulad ng mga mahihihina at itinuring na walang kakayanang mabuhay ng may kwalidad at magkaroon ng maayos na pamumuhay sa ating kasalukuyang lipunan. Ang mga pulubi, (mga mahihirap nating kababayan sa lansangan, ang mga taong grasa sa tambakan ng basura), ang mga biktima ng panlipunang pagkakait ng maayos na buhay at pamayanan. (smoky mountains at ibapa.) ang mga may suliranin sa isip at pakalatkalat sa lansangan, ang mga may kapansanang pisikal at ang mga biktima ng sistemang umiiral sa kasalukuyan. Sila ay katulad ng “puno” na di marinig ang mga hinaing, ang mga sentimiyento at mga pangangailangang naayon sa kanilang kalagayan. Ang kanilang boses ay di marinig dahil di makitang sila ay kabahagi at importante sa ating lipunang kinabibilangan. Marahil mula sa tekstong ito ang bawat isa ay mapukaw na ang kaisipan, at ang damdamin upang maging sensitibo sa ating paligid at lipunang ginagalawan. Ang ating mga mata, tainga, pandama, at partisipasyon ay higit na kailangan.
2.2 Ang karakter at bida para sa kin sa tekstong ito ay si Ruth. Si Ruth ay may katangiang di kayang magbaya, at kayang protektahan at maging tagapagtanggol ni Noemi. Ang kanilang kalagayan ang palagay kung pangunahing rason kayat di kayang humiwalay o iwanan ni Ruth ang byeanan nyang si Noemi. Ang kawalan ng seguridad sa ekonomiyang kalagayan, dahil sa pagkamatay ng kanilang mga asawa. Ito marahil ang isang matingkad na usapin at dahilan ni Ruth upang di nya maiwang mag-isa ang byeanan. Ang relasyong nabuo at ang mataas na concern ang patuloy na namagitan sa kanila upang ito ang magdikta ng kanilang matibay na relasyon. Ang diwa ng malasakitan ay nabuo dahil sa maayos na pagtrato ni Noemi sa kanyang hipag. Ito din marahil ang damdaming di maipagsawalang bahala ni Ruth upang ang kanyang mahal na byeanan ay mamuhay na nag-iisa. Ang katandaan na rin ni Noemi marahil ang pangalawang dahilan ni Ruth kayat napagpasyahan nyang manatiling kasama at taga pag alaga ng Byeanang wala nang iba pang aasahan kundi sya. Napaka dakila ang ganitong uri ng relasyon ng di tunay na magkadugo at sa pagitan ng mag byeanan.
3. Ang karakter ni Jesus bilang manggagawa
Ang karakter ni Hesus-kristo bilang mangagawa ang pangunahing karakter at ang may malaking ambag sa akin, at nakahikayat sa akin upang tumugon sa tawag ng pagmiministeryo. Ang uri ng kanyang paglilingkod sa hanay at uri ng mga mahihirap, ang kanyang diwang maka-dukha o pro-poor, ang kanyang pag aadbokasiya sa karapatan at ang makatuwirang uri ng pamumuhay ang isa sa mga mahahalagang punto kung bakit di ako nagdalawang isip na pasukin ang buhay bilang manggagawa ng Iglesya / simbahan. Ang kanyang paglilingkod ay punong-puno ng dedikasyon para sa mga uring napapagkaitan ng kalinga, atensyon at pagmamahal.
Ako bilang lingkod na tumanggap ng ganitong uri ng diwa ng ministeryo, malinaw para sa akin na ang paglilingkod ay paglalaan ng sarili, ng panahon at ng buhay para sa higit na nangangailangan ng paglilingkod maging sa loob at labas ng Iglesyang pangunahing responsibilidad na aking tinanggap
4. Critical Asian Principle (CAP) as fundamental cornerstone for doing theology in Asia
Ang Asian Critical Principle ay isang paanyaya sa ating mga Asyano upang muling buhayin ang ating sariling atin, ang ating kaisipan, paniniwala at teolohiyang naka-ugnay sa ating mga kultura at tradisyon. Ang ating diwang mapaghimagsik ay bunga lamang ng mga naging karanasan natin at ng ating mga ninuno mula sa mga dayuhan at mapang aping bansa na sumakop, at nagbago ng ating kasarinlan bilang asyano. Tumagos ito sa ating pagkatao at may malaking naging ambag ito sa atin ngayon. Ngunit dahil sa ating mga naging karanasang ito, ito ay nag dulot ng dalawang kamalayan sa atin. Ang ating diwang palaban at pagiging makabayan. Ito marahil ang naging malaking dulot at bunga ng matagal na nating pagka alipin sa mga dahuyang bansang sumakop, ngunit sa kabilang banda, malaking porsyento din ang usapin ng pagkabahagi-bahagi, pag kanya-kanya sa kasalukuyang panahon. Ang Asian Critical Principle ay isang uri ng bihekulo na may kakayanang ibangon at buhaying muli ang ating totoong pagkatao. Ito ang isang kaparaan upang muli tayong imulat at hubuging muli na maging maka-Asyano sa pananaw, sa diwa lalo’t higit paglalapat ng ating pananaw at pananampalataya. Ang ating pananampalatayang tinanggap mula sa mga bansang sumakop sa atin ay ang masasabi nating pundasyon ng ating pagkakilala sa Diyos. Batid nating tayo ay hinubog nila ayon sa kanilang interes at sa disenyong kanilang itinakda para sa atin. Di tuwirang ang dahilan nila ay gagawin tayong nasyon ng mananampalataya bagkus ito ay isa lamang kanilang kaparaanang masakop tayo, at maging isa sa kanilang teretoryong pinagkukunan ng yaman.
Ang usapin ng ating kunbersyon sa pamamagitan ng reliheyong kanilang ipinakilala sa atin ay upang hubugin tayo na maging masunurin sa kanila at di malaking hadlang sa kanilang pakay. Ngunit ito ay pinatunayan ng ating mga bayaning tuwirang nakipaglaban at nagtanggol sa ating kalayaan. Di naging balakid sa ating mga ninuno na magbuwis ng buhay makamit lamang ang kalayaan na batid nating dapat ay matagal na nating nararanasan. Ngunit alam din nating sa kabila ng may mga bayaning nag-alay ng buhay at pangarap para sa bayan, marami din ang naging instrumento ng pagtataksil at di maka pilipinong pananaw at kaisipan.
Ang kasaysayan nating mga Pilipino ay isa lamang sa may pagkakatulad na kasaysayan sa ibang Asyanong bansa na sinakop din. Ang diwang mapaghimagsik, mapanuri, at kritikal, ay naipapakita natin at isa sa ating kaparaanan at pakikibahagi sa paghubog at pagbuo ng teolohiya na nakabatay sa ating mga naging karanasan. Ang ideya at kaparaanang na inilalahad ng Asian Critical Principle ay batid nating susi sa isang matagumpay na paglaya at makahulagpos tayo sa matagal na pagkakaalipin at pagkagapos sa mga kaisipang sapilitang hinugis tayo at binuo bilang Pilipino.
5. My understanding of Church Ministry to the Present Philippines context and my cultural task as cultural transformers.
Ang iglesya ay ang dako/lugar na kung saan ang mga tao ay nagkakatipon upang magpahayag ng pagpupuri at pananampalataya sa Dios. Ang iglesya rin ay paaralan ng mga mananampalataya upang magpaunlad ng kaalaman at katuruan ng mabuting balita patungkol sa paghahari ng Diyos. Ito rin ang pangunahing behikulo ng mga taong nananalig sa Diyos upang maabot/marating ang iba pang dako, at makapagbahagi ng balita ng kaligtasan at pagliligtas ng Diyos .
Ang Iglesya ay kalipunan ng mga taong naniniwala, at sumusunod sa aral/turo ng Panginoong Hesu-kristo. Ang mga turo ni Kristo ang pangunahing tangan ng Iglesya at ng mga taong simbahan (manggagawa, Miyembro), upang maging bahagi ng ating paghuhubog una sa mga “kaanib ng iglesyang may kakayanang maging ka-manggagawa natin sa pagtuturo at pagpapaliwanag ng aral ni kristo.” o ng mga layko sa Iglesya.(kabataang lider, kababaihang lider, kalalakihang lider) kasabay na ating hinuhubog ang kalipunan ng mga kaanib, ganun din ang paghuhubog natin sa komunidad. Ang iglesya ay kalipunan ng mga kaanib na binubuo ng ibat-ibang organisasyon. Ang bawat organisasyon ay may kanya-kanyang gawaing kinapapalooban at obligasyon sa loob ng Iglesya at sa labas man.
Sa esensya ng isang Iglesya, ito ay katuwang na ng komunidad na kinapapalooban ng Iglesya upang maging daan ng tamang pagkakatoto at nagtututro ng tamang direksyon ng pananampalataya, pamumuhay, at konsepto ng tamang pamamahala o pag-gugobyerno, sa loob ng Iglesya at maging sa komunidad man ay mahalagang makita ang ganitong katangian at kakayanan ng Iglesyang meron tayo. Ang Iglesya ay paaralan na nagsisilbing gabay at nagtuturo ng tamang direksyon ng pamayanan, at ng bansa.

tolitz said...

Si Ruth na Moabita
Inihanda ni: Pareng Willy

Ang pagkakilala sa katauhan ni Ruth ay hind masyadong hayag sa unang kabanata ng sa aklat ng Ruth. Maliban sa napangasawa siya ng anak ni Elimeleck at Naomi na si Chelion at siya ay galing sa lupang Moab, maliban doon wala. Pero napakagandang halimbawa ang katauhan ni Ruth sa ating konteksto. Na kung saan mayroon bukod tanging kapahayagan sa kanyang katauhan na kapupulutan ng magandang halimbawa. Katulad ng:
Mga Mahalagang isalang-alang:
1. Self-giving love (bukas-loob na pag-ibig)
Para kay Ruth mahalaga ang kahulugan ng pag-ibig. Ito’y naipapakita niya sa kanyang asawa. Na hanggang sa kahulihulihang hininga ng kangyang asawa naging tapat ang pag-ibig niya sa asawa. Pangalawa, ay ang katapatan niya sa kanyang biyenan. Hindi niya itinuring na iba kundi kabilang siya sa pamilya.

2. Responsable
Pagkatapos na namatay ang kanyang biyenan lalaki balisa na ang kaniyang biyenan na babae. Iniisip niya kung papaano niya maitataguyod ang kanyang pamilya at pangkabuhayan. Pero unti-unti nakarecover si Noemi sapagkat nandiyan pa ang kanilang mga anak at manugang. Sila’y nakakatulong pa sa pang-araw-araw na paangangailangan. Subalit dumating ang takdang araw na ang mga anak ni Noemi ay nangamatay, nag-iba ang takbo ng buhay ni Naomi sobrang lungkot, at dama niya ang matinding pagdadalamhati dahil nangyari sa kanyang mga mahal sa buhay. Mahirap man niyang tanggapin ang katutuhanan ito’y unti-unti niyang napaglalabanan dahil nasa tabi niya si Ruth at handang mag-abot ng kanyang makakaya upang maibahagi ang anumang pangangailangan. Si Ruth ay naging responsable sa kanyang biyenan alam niya na sa panahon iyon kinakailangan ng kaniyang biyenan ang kaagapay sapagkat dala ni Naomi ang matinding kalungkutan at pighati. At isa pang dahilan si Noemi ay matanda na, mahina at wala ng kakayanan itaguyod ang buhay. Samantalang si Ruth ay batambata pa at puwedeng mag-asawa upang maibangon muli ang kanyang pamilya na kasama si Naomi.

3. May Pananampalataya at Panindigan
Bagamat payak ang kinilala niyang diyos hindi huminto si Ruth sa paghahanap ng mas
makapangyarihan na Diyos na kanyang maasahan sa habang panahon. Ito ay nakita niya
sa Diyos ni Noemi. Pinanindigan niya na ang sabi: . . . . ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Diyos ay aking Diyos (v-16). Para kay Ruth hindi madalali
ang iwananan ang kinagisnan niyang paniniwala subalit kung ito nama’y hindi tama bakit nga naman hindi puwedeng iwanan. Pinili parin niya ang Diyos ni Noemi na sa paniniwaala niya ito ang Diyos na buhay at nagbibigay ng kalakasan at pag-asa sa lahat ng panahon.

Napakaganda ang halimbawa ni Ruth sa konteksto ng mga kababaihan. Isang bukod tangi na maging batayan ng pamantayan ng buhay ng bawat isa. Na sa kabuan ng lahat na taglay niya ang talong mahahalagang sangkap sa buhay: ang self-ging love; responsable, at paniniwala at paninindigan sa Diyos at siyang nagbunsod sa kanya upang makamit ang tagumpay at pagpapala ng Diyos na kanyang pinaniwalaan.

3. Which character in the Bible do you best identify with? Why? How would this help explain
your sense of calling or vocation?

The Bible character which I identify the best is no other than Nehemiah. It was from Nehemiah the kind of character which identify the best because he is the man who dedicated himself in service. First was in the secular world (in the palace of King Artaxerxes) which he serve as a king’s cup bearer. As a king’s cup bearer –this was a position of great honor and trust. The cupbearer sample wine for the king, certainly to assure the quality of its taste but perhaps also to taste for poisoning. Nehemiah took all the risk of his life everyday. Nehemiah was not trained diplomat, politician, or priest. He was a servant and layman. He displayed a thorough knowledge of the law and the tradition of his people. Nehemiah was gifted planner and an administrator. He was tactful where tact was called for, but he was firm and unyielding in the face of his opponents. He was a leader who showed great vision and who was able to inspire others to help him achieve his goals- which he knew to be the God’s goals. Nehemiah was guided by genuine desire to God’s will, and his personal skills helped him get others to join his cause.
For me Nehemiah’s model of servant hood mirrors the sense of my calling. For almost eighteen years service in the ministry as pastor of UMC, there are lots of experiences I been encountered. There trials and hardships that almost shaken my faith, but then I survived because of God’s mercy. One of the most interesting in the life of Nehemiah was his dedication in the service and his vision to fulfil God’s purpose. This model could help me pursue my pastoral journey through the years of my ministerial task.